Monday, August 31, 2009

Isang Panawagan



Nagsisimula ang bawat pagbabago sa taos-pusong pagmulat.
Umuusbong ang kasalukuyan sa tuwing binigyang-halaga ang nakaraan para sa isang matuwid at matiwasay na hinaharap.
Nagkakakulay ang ipinaglalaban kung may tugmang pang-unawa sa pulso at tibok ng mundong iniinugan ng masang iyong kinabibilangan.

Kabataan, kasama ka sa numero.
Kasama ka sa sirkulo.
Kasama ka sa karamihan.
Kailangan ka ng bayan.


Hindi mo maaaring ipagpaliban ang isang desisyong tuwirang maghihimpil sa’yo sa lunduyan ng wasto at makatarungang simula.

Hindi mo maaaring ikibit ang iyong balikat dahil sa maling persepsyon na wala ng pagbabagong magaganap, dahil ikaw mismo ang pagbabagong matagal ng hinahanap ng Bayan. Tandaan mong ang iyong pagkamulat ay matagal na Niyang nais. Ang iyong pagmulat ang tanging patalim na kikitil sa makasariling pag-iral ng mga taong nagsasamantala sa kahinaan ng iba. Ang iyong pagmulat ang susi upang labanan ang mga taong tila ba ang tingin sa kanilang mga sarili ay panginoong walang hanggan ang hininga. Mga taong tahasang kumakalimot na sa sarili nilang mortalidad at walang awang nagpapasasa sa yamang ni minsan nama’y hindi sumapat sa kanila.

Makialam ka, gaya ng ginawang pakikialam ng mga bayaning nauna sa’yo.Makisangkot ka, gaya ng pakikisangkot ng di-iilang taong nagbuwis ng buhay para sa kapakanan mo.

Huwag mong iikot lamang sa panandaliang ligayang bunga ng selpon, laptop, at iPod ang bawat araw na inilalagi mo sa mundong ito. Huwag mong isawalang-bahala ang nangyayari sa paligid mo at manatiling sa facebook, twitter at friendster lamang updated ang kaisipan mo. Oo, mahalaga ang teknolohiya. Bahagi din sila ng paglago. Ngunit pansinin mo rin ang umaalmang kasawian ng mga tao sa paligid mo. Tunghayan mo ang reyalidad sa kapaligiran mo. Huwag ang puro huwad na pagporma at pagyayabang ng mga latest fashion statement ng merkado mula paa hanggang ulo ang pagkahumalingan mo. Walang masamang sumabay sa uso. Ang masama ay kung lumalaki kang tuod, bingi at walang kibo.

Hindi lamang sa paghingi (at kadalasan pa nga’y pag- kickback) ng baon, pagpasok sa eskwela, pagkuha ng quiz, pagdefend ng thesis at pagtanggap ng pinakahihintay na diploma umiikot ang buhay nating mga estudyante at kabataan. Sayang naman ang bawat hiningang nagmumula sa’yo. Sayang naman ang pagkabilang sa’yo bilang kabataan kung mismong iyong karapatan ay di mo bibigyan ng tamang paggalang.

Mag-aral ka.
Palawakin mo ang iyong kaisipan.
Pagyamanin mo ang iyong karanasan.
Payabungin mo ang iyong kakayahan.


Huwag mong isilid sa apat na sulok ng silid-aralan ang iyong nalalaman. Lumabas ka at makialam. At maniwala ka na sa bawat pakikialam ay binibigyan mo ng pagkakataong mabuhay sa isang lipunang makatarungan at makatao ang henerasyong susunod sa’yo –ang henerasyon ng mga magiging anak mo.

Lumabas ka at ipakita mong may saysay ang pagluwal sa’yo sa mundong ito. Lumaban ka kung kinakailangan. Tandaan mong hindi pagiging subersibo o matigas ang ulo ang pagtatanggol sa karapatan at pagsigaw ng sa tingin mo’y mga makatwirang katotohan.

Hindi ka ipinanganak upang maging pipi sa mga pang-aapi, maging bingi sa mga hikbi at maging bulag sa tunay na kalagayan ng iyong kapwa. Mas mainam pa ang mamatay ng may ipinaglalaban kaysa manatiling buhay na bahag ang buntot at ignorante sa katotohanan.

Sa tuwing binubuksan mo ang telebisyon, napapanood mo ba ang mga batang milya-milya ang nilalakad ng nakatapak para lamang makapasok sa paaralan nilang isang bagyo na lang yata ang kulang para tuluyan ng bumigay ang pundasyon? Kung tutuusin, maswerte ka hindi ba?
Sa tuwing nagbabasa ka ng pahayagan, nakikita mo ba ang patuloy na pananamantala ng mga panginoong maylupa sa mga magsasaka at uring manggagawa? Nasisiyasat mo ba ang kabi-kabilang katiwalian? Ang samut-saring nakawan? Ang malawakang pangangamkam? Bago mo pagnakawan ang iyong sariling magulang sa pamamagitan ng iba’t-ibang pakulo tungkol sa matrikula at iba pang gastusin sa paaralan, bakit di mo subukang isipin ang mga taong ni minsan ay di man lang nakatuntong ng grade one dahil sa kahirapan? Naisip mo ba at naitanong sa iyong sarili na hindi kaya ang mga taktikang ginagamit mo sa panlilinlang sa iyong magulang ay naging taktika rin ng mga pulitikong walang alam kundi katiwalian?

Sa tuwing magbubukas ka ng radyo, naririnig mo ba ang nakababahalang kalugmukan ng bansa sa kabi-kabilang mga utang? Huwag lamang ang iyong baon sa araw-araw ang iyong bilangin. Matuto ka ring tumingin sa statistics ng mga taong walang kinakain.

Patuloy ang pagtaas ng mga bilihin at kaalinsabay nito ay ang patuloy na pagdami ng mga bilang ng namamatay sa gutom. Habang sarap na sarap ka sa kanin ninyong Super Angelica, bakit di mo subukang tikman kahit minsan ang NFA rice at lasapin mo hindi lamang ang pagod at pawis ng mga magsasaka kundi maging ang hirap sa pagpila ng karaniwang tao kapalit ang ilang kilo nito?

Sa tuwing excited ka sa mga mall-getaway at movie marathon ninyong magkakabarkada, bakit di mo subukang magsuot ng basahan at kumatok sa bintana ng mga sasakyan ng sa gayon ay maramdaman mo kahit kaunti kung ano ang pakiramdam ng isang busabos at pinandidirihan? Sa tuwing mag-uubos ka ng baong pinaghirapan ng mga magulang mo sa paglalaro ng Dota o di kaya’y pagtambay sa labas ng paaralan para manigarilyo, bakit di mo subukang gutumin muna ang sarili sa loob ng maghapon para kahit minsan man lamang ay mabigyan ng hustisya ang paglustay mo ng pera ng iyong magulang at ng maramdaman mo ang matagal ng pakiramdam ng mga batang buong maghapong nasa lansangan sa halip na nasa paaralan?

Kung ang mga pangyayari sa labas ng iyong tahanan ay tinuturing mong pawang mga pangkaraniwang eksena na lamang, malamang kabilang ka sa grupong tinatawag kong Apatetiko Ako na may mottong “wala akong pakialam sa inyo, basta ako masaya sa buhay ko.”

Kabataan, huwag kang umupo lang at hayaang lumipas ang mga araw sa kalendaryo habang maraming Pilipino ang nagnanais ng pagbabago. Ikaw ang magsisilbing batingaw na gigising sa tulog-mantikang gobyerno. Ikaw at ikaw lang ang sasagot sa mga tanong mong may kinalaman sa pag-iral mo bilang Pilipino.

Wika nga ni Lualhati Bautista sa Bata, bata…Pa’no ka Ginawa?, “Habang lumalaki kayo, hindi ba dumadami ang mga tanong n’yo sa isip? Wala, wala namang masamang tanong. Ang mayroon lang ay palaiwas at sinungaling na mga sagot.”

Huwag nating hayaang malinlang muli ang bawat isa sa atin ng mga sinungaling at mapagkunwaring dakdak ng mga kandidato sa halalang darating. Masusi nating pag-aralan ang bawat plataporma at haing plano ng bawat isa sa kanila.


Tandaan mo, isang boto lang yan.
Isang botong bibilangin at uukit ng kasaysayan.
Isang botong magiging kasangkapan upang muling dumaloy ang demokrasayang pinapatay sa kasalukukyan.

Sa simpleng pagsulat ng mga pangalang sa tingin nati’y may karapatang mamuno sa sugatang bayan, binibigyan natin ng kapangyarihan ang ating mga sarili na baguhin ang pahina ng mga susunod na kabanata sa loob at labas ng MalacaƱang.


Muli ay sasabihin ko, “Kabataan…
kasama ka sa numero.
Kasama ka sa sirkulo.
Kasama ka sa karamihan.
Kailangan ka ng bayan.”

“You should always leave love ones with loving words. It may be the last time you see them.”

One of my favorite mottos is Carpe Diem, Vita Brevis Est. It is a Latin statement which means Seize the Day, Life is Brief. A philosopher once stated that always live your day as if it will be your last. Such a momentous statement! And I believe that everyday, our love ones need our caress, our sweetness and an assurance that they will always stay inside our heart no matter what happens.

Life is really short. Some people never realize the vulnerability and sacredness of each morning that we wake up. Some people would drag themselves to the darkest sins of indifference and apathy without realizing that their lives are capsulated in a time bottle or in an hour glass.

Love and live as if it were the only things that matter in this world. We should shout out our heart every time we have the chance to express what we feel. We must embrace our love ones as if it would be the last chance to touch them. They deserve our every expressions of love. It would be best if we tell those people we care so much that we love them while they can still hear the words “I love you” than shower them with loads of flowers and rivers of tears and regret when they are already dead.

Every day should be the happy ending that every fairy tale is promising its readers. Every day should be the most wonderful day of our lives. There should be no room for insensitivity, regrets and apathy.

Love is so broad and abstract that it needs a thousand ways to be expressed yet it is so deep that it only needs to be uttered with much sincerity to be felt forever. Simple things from the heart count most. We need not buy the most expensive gems or minerals in order for our loved ones to feel that they are special.

Yet at every story, there is a final chapter or perhaps, a conclusion to the whole book. But as we go along the pages, what matters is how much we pour out our hearts to those people who badly needed even the remotest expression of love.

I hate goodbyes! But if one day, my loved ones would need to leave me, I won’t have a single regret of not letting them feel how much my life has changed simply because they exist.

Carpe Diem, Vita Brevis est. Yes, life is short, but we can make it whole and eternal.

_END_

Saturday, August 1, 2009

my brother


this is my brother Victor James..He is now a seminarian and studying at the Christ the King Seminary. when i asked him if he really wanted to become a priest-missionary, he said.."yeah, let's just see"..;p

me..


this picture was taken when i was a newly grad . i think i was four and a half years old..it's really nice to reminisce..

new baby













we have a new baby in the house..after Emopunk, we have a new day-old kitten named ?..i actually don't know yet the gender..i was trying to feed her with a tonic food drink,.haha..anyway, the kitten likes to be held and pampered and it cries so much whenever she/he is left at the cat cradle i made..;p

i'm sure my brother will be happy to see our new member of the family.after all, He (VJ) is more of an animal-lover than a seminarian.hahaha..