Saturday, May 9, 2009

bakit wala pa akong boyfriend?


kapag tinatanong ako bakit wala pa daw akong boyfriend, sinsabi ko na lang, "eh wala eh..ayoko pa''...


siguro pwede na akong ituring ng mga tao na wirdo, eccentric, playsafe na tao at sentimental na nilalang..wala naman akong magagawa tungkol sa mga bagay na to. kapag si cheska na kasi ang pinag-uusapan, what you see is what you get..


now back on the topic..hmm, pag-ibig eh?


di ko itatanggi na nagmahal na din ako dati. madaming beses na din akong kinilig sa mga "simple at mababaw na bagay na may kinalaman sa pagmamahal..madalas din na mamisinterpret ko ang mga pa-tweetums ng mga guy friends ko sa akin..at kahit sa sikat na artista, kinikilig ako.


mga signs na i'm head over heels..

#1. isang text lang (kahit gm) e ngumingiti na ako..believe me, matamis ang mga ngiti ko!

#2. makabasa lang ako ng anything na may kinalaman sa kanya, masaya na ako.

#3. kapag nakakapanood ako ng mg chick flicks, nagdaday dream ako at humahabi ng sarili naming chick flicks.hehe.

#4. nasa isip ko ang mukha niya palagi

#5. lumilipas ang beinte cuatro oras na tumitibok ng literal ang puso ko at metaporikal na siya ang dahilan.


ganyan ako dati mainlab kahit pa sabihing sila'y panaginip lamang. sa mga ganitong kahibangan ako nagiging masaya at abot abot ang euphoria..




bumalik tayo sa tanong..bakit wala pa akong boypren?


di ko kasi makita pa ang sarili ko na inaalagaan ng ibang tao bukod sa pamilya ko. kadalasan din pakiramdam ko,"wala akong karapatan" sa pagibig..hindi ko kasi din maramdaman yung reyalidad na magkakaroon ako ng commitment sa isang taong hindi ko mn kaanu-ano..sinasabi ko din madalas na "bata pa ako" at ayaw ko pang lumugar sa mga naging dating posisyon ng mga kababaihang nabuntis bigla o sa mga binatang nagsisisi sa pagiging mapusok nila.

Sa panahon ngayon, bihira na ang mga "virgin couples"..what i mean is, virgin ka spiritualy and physically.. kapag kasi may karelasyon ka, sinasabi nila normal lang ang "may nagaganap"..hindi ako sang-ayon dun...



para sa akin, ang tunay na pagmamahal ay may kaakibat na respeto at pasensya..

RESPETO sa katawan at pagkatao ng partner mo at

PASENSYA sa paghihintay ng tamang panahon para sa mga bagay na dapat mga mag-asawa lamang ang may saklaw.


pinangangalagaan ko ang aking sarili gaya ng pag-iingat sa akin ng nanay ko mula pa nuong una..ayokong mapariwara dahil sa mga maling nakaugalian ng mundo ng pag-ibig.


sa ngayon, marami akong mahal..

#1.ang Diyos

#2.ang nanay, tatay at dalawa kong kptid na lalaki

#3. ang career ko sa loob at labas ng aming bahay

#4. ang aking mga kaibigan

#5. ang aking sarili...



2 comments:

  1. Ang boypren ay nandiyan lang sa tabi-tabi. Parang langaw. Habang hinuhuli mo, lalong iiwas sa 'yo.

    Anyway, bakit number 5 lang ang sarili?? O for artistic pursposes kaya mo hinuli?

    ReplyDelete
  2. korek.. kaya nga di ko p trip na mang-huli ng langaw..
    number 5 kc un nmn kadalsan ang ngyyari.. + for artistic purposes n din.. well, balang araw cguro may tamang langaw na dadapo sa bato kong puso.. ahaha.. laugh trip lang.

    ReplyDelete

thanks for the comment...:p