Saturday, May 23, 2009

bukas

"Bukas" is a poem that talks about seeing a better future without that someone whom you thought will spend the rest of their lives with you...i made this to console my self way back then..
It was kinda mushy but at least i've expressed my self in a way i knew best.


Bukas

Sa bawat luhang pipigilan ko
Naroroon ang mga ngiti mo
Nag-uumapaw ang pagtangis ko
Sa ating nakaraan
Nahihirapan akong umusad sa katotohanan
Nagkamali yata akong mahalin ka.
Labis ang panaginip
Ngunit kulang ang tiwala

Sa bawat ngiting mamamasdan ko
Humihiyaw ang kalooban ko.
Ang bahid ng kahapon ay sadyang madaya
Naiwan ako sa kasalukuyan na walang pag-asa
Gumuguhit ang luha sa aking pagmulat
Di magawang limutin
Na minsa’y naging akin ka

Sana bukas makita kong nagkamali ako
Na sambahin at mahalin ka.
Sana bukas pagising ko, wala na ang kirot
Ng pusong minsa’y umasa

Kaya ngayon, pakiusap ko, turuan mo
Akong tanggapin
Na hindi lahat ng ngiti mo’y para sa akin
At hindi lahat ng luha ko’y para sa’yo.



now looking back to my "ka-emotan," I just simply laughed and make myself learn more about God's plan..I know that I can look at tomorrow with a bigger head and a careful heart. So for those people who have some "crush" or "love thing" inside their mind, Think Twice!.. Some realities don't really lasts forever..

No comments:

Post a Comment

thanks for the comment...:p